Satellite office ng DSWD-CIU, inilunsad sa Pantukan, Davao de Oro

Satellite office ng DSWD-CIU, inilunsad sa Pantukan, Davao de Oro

PINANGUNAHAN ni Vice Governor Jayvee Tyron Uy ang inilunsad na satellite office ng DSWD-CIU o Crisis Intervention Unit, nitong Agosto 31 sa lungsod ng Pantukan, Davao de Oro.

Kasama ni Vice Governor Tyron Uy si Regional Director ng DSWD Field Office Xi na si Atty. Vanessa Goc-Ong, at si Congresswoman Maricar Zamora sa kaganapang ito.

Ayon kay Vice Governor Tyron Uy, layunin ng pagtatayo nito ay upang matugunan ang mga baybaying munisipalidad ng Davao de Oro.

Para ito mag cater sa shoreline municipalities natin sa Davao de Oro, at mapalapit sa mga tao ang serbisyo ng DSWD,” ayon kay Hon. Jayvee Tyron L. Uy, Vice Governor, Davao de Oro.

Ibinahagi rin ni Vice Governor Uy, kung gaano kalaki ang tulong na maisasagawa ng pagtatayo ng satellite office ng DSWD dito sa bayan ng Pantukan, Davao de Oro.

“Malaking tulong talaga ito, number 1 maka save ‘yung cliente ng DSWD ng savings sa pera nila sa pamasahe. Ikalawa, time and effort. Ikatatlo siguro ‘yung, syempre mauubos yung isang araw mo pag pupunta ka ng Nabunturan and meron kang mga additional incidental expenses like food, going there and going back. So malaki talaga ang ma save, lalong lalo na dito sa mga taga Pantukan,” dagdag ni Uy.

Ito na ang ikalawang DSWD Satellite Office na naipatayo sa buong Davao de Oro.

“This is ikalawa, ikalawang DSWD satellite office ito or CIU office ng DSWD. The first one was in Laak, a month ago, it was opened. And then ito, ini-open din ng DSWD and we are very much thankful. And, the third one will be in Maragusan na wala pang announcement kung kailan yung launching din dun sa DSWD satellite office,” ani Uy.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Uy sa DSWD at kay Secretary Rex Gatchalian dahil sa makabuluhang proyekto.

I would like to take this opportunity to thank Secretary Rex Gatchalian, together with regional director, Atty. Van sa pag conceptualize nitong DSWD satellite, CIU satellite office.”

“We are very much delighted na sa ganitong paraan ay pwede pala, with the partnership with the LGU, the congressional offices, tulong ng ating DSWD Secretary Rex Gatchalian and tulong na rin ng ating speaker, Speaker of the House, Tingog Party-list, Ferdinand Martin Romualdez,” ayon pa kay Uy.

Patunay lamang ito ng mabuting pamamahala nina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Bise Presidente Inday Sara, na mas lumapit pa sa mga mamamayan ang gobyerno upang tiyak na maibigay ang serbisyo at tulong gaya ng cash assistance, para sa mga mamamayan ng Davao de Oro.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter