ISUSULONG ni Sen. Bato Dela Rosa sa Senado ang pagkakaroon ng batas kung saan mapapangalagaan ang mga pulis mula sa anumang political influence.
Aniya, nais niyang maamyendahan ang Local Government Code kung saan maaaring mamili ang local chief executives ng kani-kanilang chief of police.
Sa pamamagitan nito kung maamyendahan ay mas magiging professional aniya sa kanilang trabaho ang Philippine National Police (PNP).
Sa kaniyang ipapanukala, ang PNP ang may kapangyarihang magtalaga ng sinumang maaaring maging provincial director, regional director, at chief of police sa mga lungsod at munisipalidad.
Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na inihain ni Sen. Bato sa Senado ang naturang panukala.
Iyon nga lang ay hindi ito nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. para maging ganap na batas.