Paglipat sa 2 pinakamataas na opisyal ng pulisya, idinepensa ng PNP chief

Paglipat sa 2 pinakamataas na opisyal ng pulisya, idinepensa ng PNP chief

IDINEPENSA ni Philippine National Police (PNP) chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. ang paglipat ng pwesto kina PNP deputy chief for administration PLtGen. Rhodel Sermonia at PNP deputy chief for operations PLtGen. Vicente Danao Jr.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Azurin na hindi ito ang unang pagkakataon na napabilang sa balasahan ang mga opisyal na nasa Command Group ng PNP.

Ginawa na aniya ito noong panahon nina dating PNP chief Panfilo “Ping” Lacson at dating PNP chief Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ayon kay Azurin, ang pagbibigay ng sariling Area Police Command kina Sermonia at Danao na nagsilbing OIC ng PNP ay dahil sa kanilang kakayahan.

Makatutulong aniya si Sermonia sa Area Police Command-Visayas sa pagtutok sa mga komunidad laban sa mga rebelde.

Habang si Danao ay makatutulong sa Area Police Command-Western Mindanao sa pagsusulong ng kapayapaan sa Bangsamoro.

Follow SMNI NEWS in Twitter