Sen. Go, pabor na isalang sa drug test ang mga kandidato sa 2022 elections

Sen. Go, pabor na isalang sa drug test ang mga kandidato sa 2022 elections

WELCOME kay Senator Christopher Bong Go sa panukalang isalang sa drug test ang mga kandidato sa 2022 elections.

Sinabi ni Go, na kung siya ang tatanungin at kung ano ang gusto ng taumbayan ay bukas (open) siya anumang oras at kahit saan.

Ayon kay Go, kampante siya na magpa drug test dahil wala naman siyang ibang bisyo kundi ang magserbisyo sa taumbayan.

Binigyang diin ni Go, na bagamat hindi niri-require ng batas ang drug testing sa mga kandidato ay sang-ayon pa rin siya na kusang magpapasuri para ipakita sa mga botante na “fit for public service” ang mga pinagpipilian nilang  kandidato na mamuno ng bansa.

Matatandaan na ang paglaban sa illegal drugs ang isa sa tatlong pangunahing programa nina Senator Go at ni Pangulong Rodrigo Duterte.

SMNI NEWS