Nagpahayag ng pagkadismaya si Sen. Imee Marcos sa desisyon ng International Criminal Court (ICC) na igiit ang hurisdiksiyon nito sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ayon kay Sen. Imee, hindi dapat balewalain ang pag-withdraw ng Pilipinas sa Rome Statute at ang prinsipyo ng national sovereignty.
Giit ng senadora, dapat bigyang prayoridad ang mga lokal na institusyon kung kaya naman nilang imbestigahan at resolbahin ang kaso.
Sinabi rin ni Sen. Imee na mahalagang igalang ang konstitusyon at mga batas ng Pilipinas sa pag-usad ng hustisya.
Dagdag pa niya, dapat manatili ang proseso ng imbestigasyon sa loob ng legal na sistema ng bansa.
