Sen. Jinggoy: Imbestigahan ang pagpatay sa mga environmentalist

Sen. Jinggoy: Imbestigahan ang pagpatay sa mga environmentalist

Hiniling ni Sen. Jinggoy Estrada na imbestigahan ng Senado ang patuloy na pagpatay sa mga environmentalists o tagapagtanggol ng kalikasan sa bansa.

Sa ilalim ng Senate Resolution No. 697, hinimok ni Estrada ang Senado na suriin ang ulat ng Global Witness 2026 na nagtala sa Pilipinas bilang pinakamapanganib na bansa sa Asya para sa mga environmental defender sa loob ng13 magkakasunod na taon.

Ayon sa ulat, 124 na land and environmental defenders ang pinaslang sa buong mundo noong 2025, kabilang ang 12 kaso sa Pilipinas.

Sa bilang na ito mula sa Pilipinas, anim ang katutubo, tatlo ang maliliit na magsasaka at isa ang mamamahayag.

Ngunit mula 2012 hanggang 2024, nakapagtala ang Global Witness ng kabuuang 306 na kaso ng pagpatay at pagkawala ng mga environmental defender sa bansa.

Ayon kay Estrada, layunin ng imbestigasyon na matukoy ang mga kakulangan sa umiiral na batas at mga hakbang upang maprotektahan ang mga tagapagtanggol ng kalikasan at mapanagot ang mga responsable sa kanilang pagkamatay.

Follow SMNI NEWS in Twitter