Sen. Ping Lacson: May gustong manghimasok sa operasyon ng komite vs flood control anomalies

Sen. Ping Lacson: May gustong manghimasok sa operasyon ng komite vs flood control anomalies

ISA-isang sumalang sina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at Senate Pro Tempore at Chairman ng Blue Ribbon Committee Sen. Ping Lacson matapos imbitahan ng komisyon.

Ayon kay Sotto, isa sa mga pangunahing katanungan ng mga miyembro ng ICI ay kung paano naidadagdag o naisasama ang pondo sa pambansang budget kapag ito ay nasa Bicameral Conference Committee (BiCam).

Layon nitong tukuyin ang mga politikong sangkot sa pagmamaniobra ng pondo para sa flood control projects.

“So, I explained to them how its done. Sometimes it has individual ammendments, instituional ammendments.”

“It’s best for the Independent Commission to have a context of how legislation is done and how insertion are corporated, illegal insertion.”

“Kapag tapos na ang 3rd reading nasa BiCam magsisingit ka,” saad ni Vicente ‘Tito’ Sotto III, Senate President.

Halimbawa rito, may mambabatas na palihim na nagdadagdag ng pondo o proyekto sa budget pabor sa sarili nilang distrito o kaalyado.

Ginagawa ito habang isinusulat ang final na budget, kaya madalas hindi napapansin.

Kapag naisama, naaprubahan at nailalabas pa rin ang pondo ng Department of Budget and Management (DBM) kahit labag sa tamang proseso.

Kaya, nangako naman si Sotto na handa siyang makipagtulungan sa ICI patungkol sa imbestigasyon ng maanomalyang proyekto.

“I think they are trying their best to get in to the root of the matter and the very inquisitive kasi maraming tanong eh,” dagdag ni Sotto.

Kaugnay nito, ibinunyag naman ni Lacson tila nagbago ang isip ni Ex- DPWH Assistant District Engineer Brice Hernandez sa pakikipagtulungan nito sa patuloy na imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee.

Noong Sabado, pansamantalang pinalaya si Hernandez mula sa Senate detention para makakalap ebidensiya sa kaniyang mga akusasyon ukol sa flood control anomalies.

Kinuwesyon ni Lacson ang presensiya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)

“So, nagulat nga ‘yung OSAA, na biglang may sumunod na CIDG. So, I questioned kasi this is an entirely Senate operation and this was done upon the request of person himself. So, we don’t need a search warrant kasi voluntarily kaya doon nagkaroon ng glitch,” ayon kay Sen. Ping Lacson, Chairman, Blue Ribbon Committe,” ayon kay Sen. Ping Lacson, Chairman, Blue Ribbon Committe.

Dagdag ni Lacson, hawak at nadala na mismo ng Senate Office of the Sergeant-At-Arms ang computer ni Hernadez na umano’y may mga ebidensiya.

Giit ni Lacson, posibleng may gustong manghimasok sa operasyon at imbestigasyon ng Komite.

“May nag-intervene, si Brice Hernandez nagbago ang isip. Teka muna, magtanong muna ako sa lawyer. So, parang na hold doon. So, ginawa ng OSAA ay sineal na lang nila para hindi ma-tamper. Walang tiwala sa Senate? I don’t know,” ani Lacson.

Legislative immunity ni Ex-DPWH official Brice Hernandez, babawiin kung hindi isusuko ang computer na may ebidensiya

Dahil dito, binigyan na ng ultimatum ni Lacson si Hernandez at ang abogado nito upang isuko ang computer.

“Sabi ko sa Sergeant-At-Arms na you tell Hernandez and the lawyer na hanggang 12 kapag hindi sila bumalik doon I will cancel the legislative immunity na binigay sa kanya and we will not recommend him to be admitted to the witness protections program,” giit ni Lacson.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble