Singaporean business community, hinikayat ni PBBM na mamuhunan sa renewable energy ng Pilipinas

Singaporean business community, hinikayat ni PBBM na mamuhunan sa renewable energy ng Pilipinas

HINIMOK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang Singaporean business community na isaalang-alang ang Pilipinas bilang kanilang investment hub para sa renewable energy.

Nabanggit ito ng Pangulo nitong Huwebes sa sideline ng 10th Asia Summit Fireside Chat sa Singapore.

Pagsisikap ng pamahalaang Pilipinas na mapababa ang singil sa kuryente, inilatag ni PBBM

Sa ginanap na roundtable meeting kasama ang business leaders, bukod sa paanyaya na mag-invest sa bansa ay inilatag din ni Pangulong Marcos ang mga pagsisikap ng gobyerno na mapababa ang singil sa kuryente sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Marcos na maaari nang magkaroon ng 100% equity ang mga investor sa ‘exploration, development’, at ‘utilization’ ng energy sources gaya ng solar, wind, at hydro power.

Saad pa ng Chief Executive, mapapabilis din ng dagdag investment ang pagkamit ng bansa sa pangmatagalan nitong climate targets.

“The policy change comes as the Philippines seeks to attract foreign investments to boost the renewable energy sector and to meet our long-term climate targets…. With this development, I encourage our Singapore partners to consider the Philippines and take part in the country’s goal of increasing renewable share in power generation and offering lower cost and cleaner energy to the general public,” ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Singaporean business community, hinikayat ni Pangulong Marcos na mamuhunan sa renewable energy ng Pilipinas

Ibinahagi ni Pangulong Marcos na ika-5 ang Singapore sa mga nangungunang destinasyon para sa mga produkto ng Pilipinas.

Nitong Miyerkules, nagbigay si Pangulong Marcos ng kaniyang pangunahing talumpati sa 10th Asia Summit Fireside Chat sa Singapore kung saan siya ang unang nakaupong Presidente ng Pilipinas na humarap sa Milken Institute’s Asia Summit.

Ipinahayag ng Pangulo ang kaniyang pasasalamat sa Milken Institute sa pakikibahagi sa layunin ng pamahalaang Pilipinas na lumikha ng isang healthy business environment at opportunities para sa lahat.

Inalala ni Pangulong Marcos na ang relasyon ng Pilipinas at Singapore ay nagsimula sa ‘people-to-people’ level na naging pundasyon kung saan binuo ng dalawang bansa ang lahat ng iba pang kasunduan, partnership, at alyansa.

“In that time between the very beginning of that relationship, we haven’t come across really any significant issues, diplomatic, political, or otherwise between Singapore and the Philippines,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Inilahad pa ng Pangulo na ang pamumuhunan sa bansa ay naaayon sa pandaigdigang hakbang para matugunan ang epekto ng climate change at makamit ang food security.

Bukod dito, makikinabang din ang madaming komunidad sa dagdag na trabaho na dala ng foreign investments, partikular na sa larangan ng manufacturing at turismo.

Binigyang-diin naman ng Punong-Ehekutibo ang 8-Point Socioeconomic Agenda ng pamahalaan na naglalayong palakasin ang tuluy-tuloy na pagbangon at mataas na paglago ng ekonomiya, gayundin ang pagbuo ng mga prayoridad na industriya.

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble