ISANG magandang umaga na puno ng pag-asa ang humarap sa ating mga kababayan ngayong araw sa San Juan, Batangas.
Matapos na napili ang kanilang lugar ng SMNI Foundation at People’s Republic of China upang bigyan ng tulong matapos ang pananalasa ng Bagyong Paeng.
Araw ng Linggo ay nag-iingay na sa paghahanda ang SMNI Foundation para sa pagbabasta ng libu-libong relief packs para sa unang bugso ng relief operation matapos ang pananalasa ng Bagyong Paeng.
Habang inihahanda ang relief goods sa isang lugar sa Metro Manila ay abala rin ang ilang volunteers dito sa Calitcalit Elementary school, ang venue para sa gagawing relief operations.
At ngayong umaga ay dumating na nga ang maituturing na biyaya para sa ating mga kababayan sa Brgy. Calitcalit, San Juan, Batangas.
Ito ay kusang loob mula sa SMNI Foundation sa pangunguna ni Pastor Apollo C. Quiboloy at ng People’s Republic of China sa pangunguna ni Chinese Ambassador to the Philippines Wang Xilian.
Ang biyayang dala ng SMNI Foundation at People’s Republic of China ay dumating sakay sa isang malaking bus at tatlong 6×6 na military truck.
Tulong-tulong naman itong binitbit mga volunteers kabilang ang mga miyembro ng Philippine Army papasok sa venue kung saan naroon ang mga sabik na sabik na beneficiary.
Ang mga benepisyaryo ay tuwang-tuwa sa kanilang natanggap.
Bakas sa kanilang mukha ang kasiyahan para sa ayuda na malaking bawas-gastos sa kanilang mga kinokonsumong pagkain.
Ang mga lokal na opisyal ay di naman napigil sa kanilang pasalamat sa SMNI Foundation at kay Pastor Apollo.
Ito ang una nilang pagkakataon na makatanggap ng sobra-sobrang ayuda para sa kanilang mga kababayan.
‘’Nagpapasalamat po ako kay Sir Quiboloy at naalala kami dito ho sa bayan ng San Juan. Lalot higit dito sa Brgy. Calit-Calit na naging recipient nila. Maraming-maraming salamat po sa mga tulong. At sa mga tumulong din po at nagpapadala pa rin po dito sa amin ng pagkain. Maraming-maraming salamat po sa inyo,’’ ayon kay Mayor Ildebrando D. Salud San Juan, Batangas.
Kasabay sa San Juan, Batangas ay nag-abot din ng tulong ang SMNI Foundation at People’s Republic of China sa Bay Laguna.
Bukas gugulong naman ang relief operations sa Aklan at Panay.