Sponge Cola at Gigi de Lana, magkasama sa unang collaboration

Sponge Cola at Gigi de Lana, magkasama sa unang collaboration

Handa na ang OPM fans para sa bagong tunog ng healing!

Sa darating na Biyernes, ilalabas ng Pinoy band na Sponge Cola at ang singer na si Gigi de Lana ang kanilang unang collaboration na pinamagatang “Naghihilom.” Kasabay ng single, mapapanood na rin ang official music video ng kanta sa parehong araw sa major streaming platforms.

Ang “Naghihilom,” na nangangahulugang “healing.” Ito ay tungkol sa tahimik at minsang masalimuot na proseso ng paggaling mula sa heartbreak.

Sa pinagsamang signature alternative rock sound ng Sponge Cola at emosyonal at soulful na boses ni Gigi sa pagkanta, tiyak na tatagos ang emosyon sa puso ng mga nakikinig.

Sa isang panayam, sinabi ni Gigi na agad niyang naramdaman ang lalim ng kanta at sobrang saya niyang makatrabaho ang Sponge Cola.

Umaasa naman ang frontman ng banda na si Yael Yuzon na magsilbing outlet ang nasabing kanta para sa bawat tagapakinig upang maramdaman at ma-express ang kanilang damdamin.

Ang music video ay kuha sa kanilang unang live performance ng kanta noong nakaraang Enero sa isang malaking music festival, na nagbigay sa mga fans ng exclusive sneak peek bago ang opisyal na release ngayong Biyernes.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble