Summary hearing kaugnay sa red-tagging, iniutos sa mababang hukuman

Summary hearing kaugnay sa red-tagging, iniutos sa mababang hukuman

INATASAN ng Korte Suprema ang Iloilo Regional Trial Court (RTC) na magsagawa ng summary hearing para masigurong mapakikinggan ng patas ang hirit ng petitioner na nagreklamo ng red-tagging at inakusahang miyembro ng communist terrorist group (CTG).

Bukod naman sa nasabing kautusan ay idineklara ng Korte Suprema na walang sapat na basehan sa paggawad ng Writ of Amparo ang verifying red-tagging, vilification o mapang-abusong pahayag, labelling, at guilt by association.

Dahil diyan ay binaligtad ng Supreme Court En Banc ang desisyon ng Iloilo RTC na nagbasura sa hirit na Writ of Amparo na inihain ng petitioner na si dating Bayan Muna Rep. Siegfrid Deduro na inireklamo ang ilang sundalo matapos siyang i-red tag noong 2020.

Nagsimula ang reklamo makaraang kumalat ang mga poster sa Iloilo City kung saan nakapaskil ang kaniyang larawan at may label na kriminal, terorista, at miyembro ng mga komunistang grupo.

Ayon sa Korte Suprema, maaaring magdulot ng panganib sa seguridad at buhay ng isang tao ang red-tagging, na itinuturing na uri ng harassment ng ilang international organization.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble