Sunog sumiklab sa Bislig City

Sunog sumiklab sa Bislig City

Sumiklab ang sunog sa Espiritu Street, Barangay Mangagoy, Bislig City, Surigao del Sur kaninang 3:45 ng madaling araw ngayong Huwebes, Pebrero 5, 2026.

Idineklarang fire-out ang sunog bandang alas-5:33 ng umaga matapos ang operasyon ng mga bumbero at responders.

Sa ngayon, inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) – Bislig kung ilang establisyimento ang natupok ng apoy, habang patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng insidente.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble