Teves at 12 iba pa, idineklarang terorista ng pamahalaan

Teves at 12 iba pa, idineklarang terorista ng pamahalaan

IDINEKLARANG terorista ng pamahalaan si suspended Negros Oriental Rep. Arnulfo “Arnie” Teves, Jr. dahil sa kaugnayan nito sa mga private army.

 “Additionally, we have designated Congressman Arnulfo A. Teves and his armed group the Teves terrorist group as terrorists,” saad ni Asec. Mico Clavano, DOJ Spokesperson.

‘Yan ang deklarasyon ng Anti-Terrorism Council (ATC) laban sa mga Teves.

Kahanay nilang idineklara bilang terrorista ang Maute Group.

Ayon sa ATC, malinaw na terorista si Negros Oriental Rep. Arnie Teves.

Damay rin sa deklarasyon ang kapatid na si dating Governor Pryde Henry Teves.

“The decision comes after a meticulous investigation into their violent activities that have caused harm to innocent lives in Negros Oriental including that of Governor Roel Degamo,” dagdag ni Clavano.

Si Congressman Teves ang itinuturong mastermind sa pagkamatay ni Negros Oriental Governor Degamo nitong Marso.

Dahilan para maging solido ang hawak na ebidensiya ng pamahalaan laban dito.

“The designation of the Maute and Teves groups as terrorists serves as a strong signal that the government is prepared decisive measures against any individual organizations that poses a threat to the safety and security of our citizens,” ayon kay Jonathan Malaya, Assistant Director General, National Security Council.

Teves, tinawanan lamang ang deklarasyon bilang terorista

Pero si Teves, tinawanan lamang ang hakbang ng gobyerno laban sa kaniya.

“Siguro padagdag ko sa ID ko na diba? Or padagdag ko sa ano ko sa CV,” ani Rep. Arnie Teves, Jr.

Saad din niya na matagal na nilang alam na i-dedeklara silang terorista.

Pinag-aaralan naman ng kampo ni Teves ang opsiyon na matanggal sila sa listahan.

Kinuwestiyon naman ng kampo ang hakbang ng pamahalaan gayong wala pang kasong naisampa sa korte laban sa mga akusado.

“Paano mo gagawing terorista ‘yung tao, hindi mo pa nga nakakasuhan sa court of law? Hindi pa (inaudidble) as a criminal. Sabay ngayon terorista na? Ano yun?,” ayon pa kay Teves.

“Designation can come first, pwede ring it can come after. Nagkataon lang naman dito na nauna ang desisyon ng ATC sa designation versus sa resolution na mga prosecutors natin sa pending PI,” wika ni Usec. Nicholas Felix Ty, Department of Justice.

Ngayong deklarado nang terorista sina Teves at 12 iba pa, freezed na ang kanilang assets at hindi na maaring galawin ayon sa Anti-Money Laundering Council.

Pero, maari na ba kaya siyang arestuhin matapos ang designation?

Teves, hindi agad makukulong kahit deklarado nang terorista—ATC

“Dapat bumili sila ng malaking freezer baka hindi magkasya,” ani Teves.

“‘Yung designation ang consequence lang nito ay doon sa assets, sa assets ng designee. Kung aresto ang pinag-uusapan natin, dadaan pa rin tayo doon sa criminal action,” pahayag ni Usec. Nicholas Felix Ty, Department of Justice.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble