Pagkakaloob ng amnestiya sa rebel returnees, itinuturing na “crown jewel” ng peace process

Pagkakaloob ng amnestiya sa rebel returnees, itinuturing na “crown jewel” ng peace process

ITINUTURING na “crown jewel” ng peace process ang pagkaloob ng amnestiya sa rebel returnees.

Suportado ng Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pagbibigay ng amnestiya sa rebel returnees.

Ito ang inihayag ni OPAPRU Secretary Carlito Galvez, Jr. sa pulong balitaan ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Sinabi ni Galvez na maituturing na “crown jewel” ng peace process ang pagbibigay ng amnestiya.

Ayon kay Galvez, inaasahan na masosolusyunan ng naturang hakbang ni Pangulong Marcos ang lahat ng kaguluhan bago matapos ang kaniyang termino.

Tiniyak naman ni NTF-ELCAC executive director Undersecretary Ernesto Torres, Jr. na dadaan sa proseso ang usapin ng amnestiya upang maging malinaw ang buong detalye.

Taliwas din aniya ang pahayag ni CPP-NPA spokesperson Marco Valbuena sa pagtalikod ng grupo sa amnestiya sa sentimyento ng kanilang mga grupo na gustong magbalik-loob sa gobyerno.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble