Umano’y pagtakas ni Atong Ang palabas ng bansa, paiimbestigahan

Umano’y pagtakas ni Atong Ang palabas ng bansa, paiimbestigahan

Kailangang imbestigahan kung may pagkukulang ang mga awtoridad na naging dahilan para makatakas palabas ng bansa ang negosyanteng si Atong Ang.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi pa matukoy kung kailan nakalabas ng bansa si Ang, na posibleng umalis bago pa mailabas ang arrest warrant at hold departure order laban sa kaniya.

Iginiit ni Castro na kung may mga lapses, dapat itong matukoy at maipaalam kay President Ferdinand Marcos Jr., upang mapanagot ang mga kinauukulan.

Sa kabila nito, sinabi ng Castro na sa ngayon ay wala silang nakikitang dahilan para sabihing wala na ang tiwala ng pangulo kay Interior Secretary Jonvic Remulla.

Nauna nang iniulat ni Remulla na nakatakas si Ang, na itinuturong mastermind sa pagdukot sa mga nawawalang sabungero.

Follow SMNI NEWS in Twitter