IKINABAHALA ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) ang pagtaas ng kaso ng human organ trafficking sa buong mundo.
Ayon sa UNODC, dahil sa mataas na demand ng organ transplant sa buong mundo, tumataas din ang kaso ng human trafficking para sa organ removal.
Kaugnay nito, ibinahagi rin ng UNODC ang kalakaran ng organ trafficking kung saan ang mga biktima ay pinapangakuan ng maliit na halaga ng pera na kung minsan ay hindi nila natatanggap.
Kung kaya’t nagbabala ang UN na maging maingat at mas palakasin ang mga preventive measures ng bawat bansa upang maiwasan ang paglaganap ng ganitong krimen.