TINANGGIHAN ni United State House Speaker Kevin McCarthy ang imbitasyon ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy sa kaniya na pumunta sa Ukraine.
Ayon kay McCarthy, hindi niya na kailangang pumunta mismo sa Ukraine para mai-assess ang sitwasyon ng bansa dahil maaari namang makakuha ng impormasyon sa ibang paraan.
Inimbitahan ni Zelenskyy si McCarthy para personal na makita ang pinsala na naidulot ng digmaan sa pagitan ng Russia.
Matatandaang 32 billion US dollars na ang naibigay na tulong ng Estados Unidos sa Ukraine simula pa noong February 24, 2022.
