Eksperto, umaasang makukumbinsi ng China ang Russia para ihinto ang giyera kontra Ukraine

Eksperto, umaasang makukumbinsi ng China ang Russia para ihinto ang giyera kontra Ukraine

ISANG geopolitical expert ang umaasa na makukumbinsi ng China ang Russia para ihinto ang pakikipag-giyera sa Ukraine.

Sa Stratbase Forum nitong Biyernes sa Manila Polo Club ay muling iginiit ng Japanese government ang suporta nito sa Pilipinas sa usapin ng sigalot sa South China Sea o mas kilalang West Philippine Sea (WPS).

Aniya, ito ang napagkasunduan nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida nang bumisita ito sa Japan kamakailan.

Lalo na ang pagkilala sa panalo ng Pilipinas noong 2016 sa UNCLOS Arbitral Tribunal Proceedings kontra China upang makamit ang mapayapa at pangmatagalang solusyon sa pinag-aagawang teritoryo.

“Japan shares with the Philippines the importance of relevant international law particularly the United National Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) and the 2016’s arbitration award,” saad ni Kenichi Matsuda, Japan Embassy’s Deputy Chief of Mission.

Kung ang China kaagaw ng Pilipinas sa WPS, iba naman ang nais gawin nito sa kanlurang bahagi ng mundo.

Kalat na ang mga report ng napipintong pagpunta ni Chinese President Xi Jin Ping sa Russia.

Hindi para manggulo kundi isulong ang kapayapaan sa pagitan ng mga Ruso at ng kalabanan nitong Ukraine.

Multilateral peace talks daw ang isusulong ng China at pigilan ang paggamit ng nuclear weapons sa giyera.

Welcome development naman ito sa isang eksperto.

“We need peace and stability in the world because peace and stability create growth, and improve the lives of people globally, so if you find an end to the conflict and as the end of the conflict respect the Ukrainian people that would be very good news. If China could take that role, then we see China a very important leader in this Global world,” ayon kay Prof. Dindo Manhit, Political Analyst.

Posible raw na bumisita sa Russia sa Abril o Mayo si Pres. Xi.

Timing sa paggunita ng Russia sa World-War 2 victory nila laban sa Germany.

Mahalaga sa Russia ang China at nauna nang pinagtibay at pinalalim ng dalawang bansa ang kanilang kooperasyon.

‘The idea is to simply engage, they seem to have a working relationship with Russia. Find a way to influence the thinking of Russia. Aside from that, we’re basically speculating,” dagdag ni Prof. Manhit.

Nauna nang pini-pressure ng US ang China dahil sa pagsuporta nito sa Russia.

Aniya, kinokonsidera umano ng China na mag-provide ng mga baril sa Russia.

Ayon kay US Vice President Kamala Harris, na ang suporta ng China kontra Ukraine ay magpapalala lamang sa digmaan.

Pero nanindigan ang China hindi nila sususugan ang apoy ng digmaan sa halip ay susubukan itong apulahin.

“We do not add fuel to the fire, and we’re against reaping benefits from this crisis,” pahayag ni Wang YI, Chinese Foreign Ministry.

“If they escalate things, they might isolate themselves in the world. So we hope that they can be responsible state. Respecting the global values of rules-based, values of a rules-based international system which is what we want. That will ensure peace and stability,” dagdag ni Manhit.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter