Usapin sa petition for bail ni De Lima, di pakikialaman—DOJ

Usapin sa petition for bail ni De Lima, di pakikialaman—DOJ

DUMISTANSIYA na si Justice Secretary Crispin Remulla sa nakabinbing petition for bail ni dating Justice Secretary at Senator Leila de Lima na humiling na payagan siyang magpiyansa para pansamantalang makalaya.

Ipinaliwanag ng kalihim na ipinauubaya na niya ang lahat ng mga hakbangin sa mga public prosecutors at sa simula pa man ay hindi naman umano niya ito pinakialaman.

Iginiit naman ni Remulla na sa bandang huli ay nasa korte pa rin ang desisyon o pagpapasya kung papayagan ang dating senadora na makapagpiyansa.

Kaninang umaga ay inabsuwelto ng Muntinlupa Regional Trial Court si De Lima sa isa nitong kasong may kaugnayan sa drug transaction sa New Bilibid Prisons pero may hiwalay pa siyang kaso na nakabinbin pa sa Las Piñas City RTC.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter