VP Sara wala pa ring pasya sa alok ni FPRRD na sumali sa PDP-Laban

VP Sara wala pa ring pasya sa alok ni FPRRD na sumali sa PDP-Laban

NAITANONG kay Vice President Sara Duterte kung inaasahan ba niyang iimbitahan siya ni Mayor Sebastian “Baste” Duterte na sumali sa Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Iyan ay matapos opisyal na itinalaga si Mayor Baste bilang acting president ng PDP-Laban, kasunod ng pag-leave ni Sen. Robin Padilla upang tutukan ang kaniyang mga tungkulin sa Senado.

Ayon kay VP Sara, matagal na siyang inaanyayahan na sumapi sa PDP-Laban ng kaniyang ama, si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, simula pa noong Hulyo ng nakaraang taon kasabay ng kaniyang pagbibitiw bilang Kalihim ng Department of Education.

“Matagal na akong ini-invite, ma’am—sa PDP. Nandito pa si dating Pangulo Rodrigo Duterte. Last year, July, noong nag-resign ako sa Department of Education, inimbita na ako ni dating Pangulo Rodrigo Duterte. At sinabi ko sa kanya na pag-iisipan ko. Pero hanggang ngayon, wala pa akong decision, ma’am,” wika ni Vice President Sara Duterte.

Ipinaliwanag ni VP Sara na ang kaniyang pag-aatubili ay nakaugat sa mga naging karanasan niya sa mundo ng politika.

“Mainly because nakita niyo naman ‘yung nangyari sa akin, ma’am, di ba ‘no? Parang ayaw ko nang kausap ‘yung mga politiko—lalong-lalo na kapag magkakasama kami sa isang grupo. So wala naman, I have nothing against everyone,” saad pa nito.

Sa ngayon, mas pinipili ng bise ang pagiging independent o hindi nakatali sa anumang partido.

“In general lang, sa akin, mas gusto ko ‘yung ganito ako. ‘Yung sinasabi ko lagi na, “I’m single and ready to mingle,” in terms of politics, kaysa ‘yung nakatali ka sa loob ng isang grupo. So hanggang ngayon, ma’am, wala pa akong decision kung papasok ako ng PDP,” pagtatapos ni VP Sara.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble