NAGPAHAYAG ng buong suporta ang kilalang anti-communist group na Yakap ng Magulang kaugnay sa mainit na usapin sa Senado sa pagsusulong na Mandatory ROTC sa lahat ng mga kolehiyo sa bansa.
Sa panayam ng SMNI kay Yakap ng Magulang President Relissa Lucena, sinabi nitong malaking tulong sa paghubog sa kakayanan at pagkatao ng isang estudyante ang Mandatory Basic Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program.
Ilan sa mga maaaring matutunan dito ang bolunterismo, pagiging disiplinado, pag-aaral ng mabuti, pagmamahal at malasakit sa bayan.
Malaking tulong din ito upang mailayo ang mga kabataan sa masasamang gawain lalo na sa pagiging bahagi ng mga organisadong grupo na tumutuligsa sa pamahalaan gaya ng CPP-NPA-NDF.
Umaasa ang grupo na maisabatas sa lalong madaling panahon ang naturang panukala para sa mabilis na implementasyon nito at masagip pa ang buhay at kinabukasan ng mga kabataan sa bansa.