Zamboanga City wala pang kaso ng Mpox at hindi naka-lockdown

Zamboanga City wala pang kaso ng Mpox at hindi naka-lockdown

MARIING pinabulaanan ng Pamahalaang Panlungsod ng Zamboanga ang maling impormasyong kumakalat online kaugnay sa umano’y paglalagay ng lungsod sa enhanced community quarantine dahil sa Mpox.

Ayon sa opisyal na pahayag mula sa lokal na pamahalaan, wala pang kumpirmadong kaso ng Mpox sa lungsod at hindi ito naka-quarantine sa anumang paraan.

Dahil dito, hinimok ng City Government of Zamboanga ang publiko na huwag basta-bastang maniwala sa mga impormasyong walang sapat na batayan. Maging mapanuri at huwag magpakalat ng fake news na maaaring magdulot ng pangamba sa komunidad.

Ang mga lehitimong update tungkol sa Mpox at iba pang usaping pangkalusugan ay makukuha lamang mula sa City Health Office, Department of Health, at sa mga opisyal na social media accounts ng pamahalaan, gaya ng official Facebook account ng City Government ng Zamboanga na nakikita sa inyong screen ngayon.

Tiniyak din ng pamahalaang panlungsod na agad maglalabas ng mahahalagang anunsiyo kung kinakailangan, para sa kaalaman at kaligtasan ng publiko.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble