Visa ng Chinese students sa US babawiin na

Visa ng Chinese students sa US babawiin na

BABAWIIN na ng Estados Unidos ang visa ng mga Chinese student ayon kay Sec. of State Marco Rubio.

Kabilang dito ang may kaugnayan sa Chinese Communist Party o yaong nag-aaral sa mga kritikal na larangan.

Sa paliwanag, bilang bahagi ito ng mas pinaigting na polisiya ng kasalukuyang administrasyon ni Donald Trump ukol sa imigrasyon.

Sinabi na rin ni Rubio na rerebisahin ng departamento ang mga pamantayan sa pagbibigay ng visa upang mas mapag-ibayo ang pagsusuri sa lahat ng mga aplikasyon mula sa China at Hong Kong.

Batay sa datos, bumaba na sa humigit-kumulang 277,000 ang bilang ng mga estudyanteng tsino sa Estados Unidos noong taong 2024.

Mula ito sa 370,000 na mga mag-aaral noong 2019.

Isa sa mga dahilan nito ay ang lumalalang tensiyon sa pagitan ng dalawang pinakamalalaking ekonomiya sa mundo at ang masusing pagsusuri ng gobyerno ng U.S. sa ilang estudyanteng tsino.

Hindi agad nagbigay ng komento ang Chinese Embassy sa Washington kaugnay nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble