NAILIGTAS ng mga pulis sa Guatemala ang nasa 126 na mga migrante na nasa loob ng isang abandonadong shipping container.
Natagpuan ang mga ito sa pagitan ng mga bayan ng Nueva Concepcion at Cocales matapos i-report ng mga lokal na nakarinig sila ng sigawan sa loob ng trailer.
Paniwala ng mga awtoridad na iniwan ang mga migrante ng mga smuggler na binayaran ng mga ito para ihatid sila patawid ng Mexico patungong Amerika.
Kabilang sa mga migrante na nailigtas ay mula sa mga bansang Haiti, Nepal at Ghana.
Ayon kay Guatemala Migration Authority Spokesperson Alejandra Mena, dumating ang mga migrante sa Honduras kung saan magsisimula ang kanilang paglalakbay patungong Amerika.
Nakatakda namang ibalik ang naturang mga migrant sa border ng Honduras para ibalik sa kani-kanilang bansa.