KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na sinibak na sa pwesto ang 15 Bureau of Immigration (BI) officers at security guards na nakatalaga sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Ang pagkakasibak anya sa naturang mga BI officers ay kasunod ng nangyaring surprise inspection ng Bureau of Immigration at National Capital Region Police Office (NCRPO) sa nasabing pasilidad kung saan nakuha ang iba’t ibang uri ng mga kontrabando.
Kabilang sa nakumpiska ang mga gadgets at kalahating milyong pisong cash na pag-aari ng mga dayuhang nakakulong doon.