UMABOT sa 16 indibidwal ang nasaktan sa magnitude 6 na lindol sa Compostela, Davao de Oro.
Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng Biyernes, Pebrero 3, 2023.
Naapektuhan ng lindol ang 97 indibidwal, 52 imprastraktura at 4 kabahayan.
Wala namang naiulat na namatay o nawawala sa lindol.
Wala ring napinsalang linya ng komunikasyon, kuryente at tubig.
Normal din na nadadaanan ng mga motorista ang mga kalsada at tulay sa lugar.
