General Brawner, dadalo sa selebrasyon ng 76th founding anniversary ng Naval Air Wing ng Phil Navy

General Brawner, dadalo sa selebrasyon ng 76th founding anniversary ng Naval Air Wing ng Phil Navy

MAGSISILBING guest of honor and speaker si AFP chief of staff General Romeo Brawner sa 76th founding anniversary ng Naval Air Wing ng Philippine Navy ngayong araw, Oktubre 18, 2023.

Gaganapin ito sa Naval Air Wing, Naval Base Heracles Alano, Sangley Point, Cavite City.

Pangungunahan ang okasyon ni Phil Navy Commander Commodore Juario C. Marayag.

Ilang araw bago ang nasabing pagdiriwang ay una nang nagsagawa ng iba’t ibang aktibidad ang naval aviation ng bansa gaya ng Coastal Clean-up, Mangrove Tree Planting, Fun Biking, Movie Screening for A Cause, Golf Tournament Tournament at Thanksgiving Mass.

Nauna nang ipinagmalaki ng AFP ang pag-usbong ng Philippine Navy sa ilalim ng modernization program nito para sa mas pinalakas Hukbong Pandagat ng Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter