BUMABA pa ang COVID-7-day positivity rates sa National Capital Region (NCR) hanggang nitong Nobyembre 7, 2022.
Batay sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, bumaba sa 7.8% ang 7-day positivity rates sa NCR mula sa 9.5% noong Oktubre 31, 2022.
Naitala naman sa 1.54 kada 100,000 ang average daily attack rate (ADAR) sa NCR hanggang noong Nobyembre 8, na may one week growth rate na -29%.
Habang ang reproduction number sa NCR ay nanatili sa low na 0.75 hanggang noong Nobyembre 5.
Nananatili rin sa low na 26% ang healthcare utilization rate hanggang nitong Nobyembre 7, 2022.
Sinabi ni David na kung magpapatuloy ang kasalukuyang trends, maari itong magresulta sa mas mababa sa 5% positivity rate at 100 new cases kada araw sa NCR sa katapusan ng Nobyembre.
