HINDI makapaglalaro ang Los Angeles Lakers stars na sila LeBron James at Anthony Davis laban sa Brooklyn Nets mamayang gabi ayon mismo sa management team ng Lakers.
Sinabi ng Lakers na hindi makakapaglaro si James dahil sa pamamaga ng kaliwang bahagi ng paa nito at samantalang si Davis naman ay nakararanas din ng pamamaga sa kanang paa at muling hindi papayagang makapaglaro.
Matatandaan na buong season nang pinahihirapan si James ng kanyang kaliwang paa.
Samantala, ito na ang ika-20 games na hindi nakapaglaro ni Davis dahil sa foot injury at nakabalik na ito noong nakaraang Miyerkules kung saan tinulungan nito ang Lakers sa panalo nito laban sa San Antonio Spurs kung saan nagtapos ang laban sa iskor na 113-104.