NAKAPAGHATID ang Philippine Air Force (PAF) ng 300 food boxes sa Edwin Andrews Air Base sa Zamboanga City.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng Office of the Vice President (OVP).
Inilipad ang food boxes sa pamamagitan ng C-130 Cargo Plane ng 220th Airlift Wing ng PAF.
Nabatid na ang aktibidad ay para mabigyan ng tulong ng OVP ang mga walk-in indigent na nangangailangan ng suporta ng gobyerno.
Tiniyak naman ng PAF na patuloy silang tutulong sa gobyerno upang mabilis na maihatid ang mga programa para sa mga nangangailangan nating kababayan.
