BINATI ng Muntinlupa City Government ang 336 na graduates mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMUN).
Ito’y dahil nakapasa sila sa October 2022 Board Licensure Examination for Professional Teachers.
Sa kabuoang 185 na examinees mula sa PLMUN bilang elementary teachers, 122 dito ang nakapasa.
Sa 308 naman na examinees para sa secondary level, 214 dito ang nakapasa.