Kauna-unahang NBA 3-pointer player, pumanaw na

Kauna-unahang NBA 3-pointer player, pumanaw na

PUMANAW na ang dating Boston Celtics head coach na si Chris Ford sa edad na 74.

Inanunsyo ito ng Celtics at ng pamilya ni Ford noong Miyerkules, January 17.

Sa kasaysayan, si Ford ang kauna-unahang player na nakapagtala ng 3-points matapos itinatag ng NBA ang 3-point line noong 1979-1980 season.

Nanalo na rin ito ng NBA title kasama ang Celtics noong 1981.

Sa coaching stint nito maliban sa Celtics, nakatrabaho na ni Ford ang Milwaukee Bucks, Los Angeles Clippers at Philadelphia 76ers.

 

Follow SMNI News on Twitter