4 na listahan, pinagbabasehan ng DSWD bago ma-delist ang isang benepisyaryo sa 4Ps

4 na listahan, pinagbabasehan ng DSWD bago ma-delist ang isang benepisyaryo sa 4Ps

PUSPUSAN ngayon ang review na ginagawa ng Department of Social Welfare Development (DSWD) kaugnay sa delisting ng mga benepisyaryo ng 4Ps.

Sa budget hearing ng DSWD sa Kamara, iginiit ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na nagpapatuloy pa rin hanggang sa ngayon ang validation ng nasa 1.3 million 4Ps beneficiaries na matatanggap sa program.

Giit ni Tulfo, apat na listahan ang kanilang tinitignan at kinukumpara bago magpasya kung tatanggalin sa 4Ps ang isang benepisyaryo dahil non-poor na ang mga ito.

Kabilang dito ay ang listahanan 3, listahan mula sa samahan ng 4Ps beneficiaries, orihinal na 4Ps list at ang listahan mula sa mga munisipyo.

Giit ni Tulfo na kapag pasok sa apat na listahan ang isang benepisyaryo ay tatanggalin na ito sa programa.

Follow SMNI NEWS in Twitter