4 tanyag na mga Pinay bibigyan ng posthumous Presidential Medals of Merit

4 tanyag na mga Pinay bibigyan ng posthumous Presidential Medals of Merit

BIBIGYAN ng posthumous Presidential Medals of Merit ang apat na tanyag na mga Pinay ayon sa Malacañang.

Ang mga ito ay ang National Artist na si Nora Aunor; ‘Asia’s Queen of Song’ Pilita Corrales; veteran actress na si Gloria Romero; at ang sikat na Fil-Italian chef na si Margarita Fores.

Kinilala ang mga ito dahil sa kanilang natatanging ambag sa cultural at artistic heritage ng Pilipinas.

Ipagkakaloob ng Palasyo ang pagkilalang ito sa isang special ceremony sa Mayo 4, 2025.

Matatandaan na pumanaw na si Gloria Romero noong Enero 12 habang Pebrero 11 si Margarita Fores, ang kinilalang ‘Asia’s Best Female Chef’ at tagapagtatag ng Italian restaurant chain na Cibo.

Si Pilita Corrales ay pumanaw noong Abril 12 at Abril 16 naman si Nora Aunor.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble