NANALO ng bronze medal ang boys under-21 ng Pilipinas Water Polo Junior Team mula sa katatapos lang na 60th Malaysia Invitational Age-Group Water Polo Championships sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Isa ito sa pinakamagandang pagtatapos ng isang Pinoy youth team sa isang international competition ng water polo ayon sa kanilang head coach na si Roi Dela Cruz.
Unang medalya rin ito aniya mula noong makakuha ng silver ang senior squad ng national team sa 2019 SEA Games.
Ang 69th Malaysia Invitational Age-Group Water Polo Championships ay ginanap noong Abril 18–20, 2025.
Follow SMNI News on Rumble
