ABS-CBN at TV-5, magsasanib puwersa

ABS-CBN at TV-5, magsasanib puwersa

MAGSASANIB puwersa na ang ABS-CBN at TV5.

Ito ay matapos i-anunsyo ng dalawang network na kinuha ng Kapamilya Network ang 34.99%, na siyang total voting at outstanding capital stock ng Kapatid Network na may halagang P2.16 billion.

Magugunitang, hindi na ni-renew ng Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN sa frequency nito na Channel 2 dahil sa mga violations nito.

Dahil dito, ang equity ng MediaQuest sa TV5 ay mababawasan at magiging 64.79% na lamang ng voting at outstanding capital stock.

Ayon sa ABS-CBN, mananatili ang MediaQuest Group na hahawak sa shareholder ng TV5.

Dahil din sa investment agreement, ang mga partido ay mag-e-execute ng convertible note agreement na may face value na Php1.84-B na ibibigay ng TV5.

Magkakaroon na ang ABS-CBN ng karagdagang primary common shares sa TV5 matapos ang 8 taon mula sa issuance nito.

Puedeng lumaki ang equity ng ABS-CBN sa Kapatid Network ngunit hindi lalagpas ng 49.92% ng outstanding capital stock nito.

Gagamitin naman ang convertible note na may halagang P4-B para pondohan ang mga operating expenses ng Kapatid Network para sa pagpapaganda pa ng mga content at programa.

Bukod pa rito, may nakuha ring share ang Cignal Cable na 38.88% mula sa Sky Cable Corp.

Masaya naman ang mga liderato ng 2 network sa pagsasanib puwersa na ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter