OPISYAL ng tinanggap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kauna-unahang Surface-to-Air Missile (SAM) ng bansa.
Sa kauna-unahang pagkakataon, natanggap na ng bansa ang kauna-unahang Surface-to-Air Missile ng Armed Forces of the Philippines. Isang Mistral 3 ang nasa pangangalaga na ngayon ang AFP.
Masayang ipinabatid ng pamumuan ng AFP ang opisyal na pagdating sa kauna-unahang Surface-to-Air Missiles (SAM) na magpapalakas pa sa kakayahan at depensa ng bansa upang ipagtanggol ang teritoryo nito.

Sa official statement ng AFP, gagamitin ang Mistral 3 SAMs sa Brp Jose Rizal (FF150) at Brp Antonio Luna (FF151) at bilang pandagdag pwersa ng Philippine Navy sa mga binabantayan nitong karagatang sakop ng Pilipinas.
”The Armed Forces of the Philippines received its first ever surface-to-air missiles (SAM) that will bolster our country’s capability to defend our territory,’’ayon sa AFP.
The Mistral 3 SAMs will be fitted on Brp Jose Rizal (FF150) and Brp Antonio Luna (FF151) and will give the Philippine Navy a much needed defensive capability against hostile air targets,”dagdag nito.
Ayon sa AFP, sa ilalim ng Republic Act 10349 o ang revised AFP modernization program na nilagdaan noong taong 2012 hanggang sa kasalukuyan, tuluy-tuloy ang pagpapabuti ng Defense system ng bansa sa pamamagitan ng pagbili ng mga makabagong kagamitan at pasilidad sa mas pinalakas na depensa laban sa mga inaasahang banta sa seguridad, pananakop at ibat-ibang uri ng pananakot sa labas ng bansa.
“With Republic Act 10349 or the revised AFP modernization program signed in 2012, the AFP was able to acquire new assets that are vital in the performance of our mandate as protector of the people and the state.The procurement of missile systems is cost-effective and a reliable addition to a layered defense system, capable of denying enemy intrusion and deterring future attacks by external threats,”ayon sa AFP.
Samantala, nito lamang nakaraang buwan nang sumailalim ang mga tauhan ng armed-missile Brp Jose Rizal sa mga pagsasanay sa operasyon ng operational level training para sa Surface-to-Air missile (SAM), Fire Control Radar (FCR), at 76mm super rapid multi-feeding gun from their respective Original Equipment Manufacturers (OEM).
Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Army na magagamit ng kanilang kawani ang mga natutunan nito sa mga pagsasanay mula sa ibat-ibang mga kritikal na sitwasyon lalo na sa usapin sa pagtatanggol ng bansa sa mga karagatang sakop ng Pilipinas
Mababatid na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang sigalot ng bansa sa West Philippine Sea laban sa iba pang mga karatig bansa sa rehiyon na sinasabing may karapatan o pag-aari sa mga pinag-aagawang isla sa lugar.
