SABAY-SABAY na pinasabog ng Philippine Army ang 77 na ibat-ibang uri ng Improvised Explosive Devices (IEDs) mula sa CPP-NPA-NDF sa Brgy. Tignapoloan, Cagayan De Oro City.

Pinangunahan ng 10th forward service support unit ang pagpapasabog sa nasabing anti-personnel landmines.
Sa ilalim ng Ottawa Treaty o ang 1997 Anti-Personnel Mine (APM) ban convention, ang paggamit ng landmine o Improvised Explosive Devices ay mahigpit na ipinagbabawal.
Ayon kay 4th infantry division Commander Brigadier General Romeo Brawner Jr., patunay lang aniya ito ng mas pinaigting na operasyon ng kanilang hanay laban sa mga armadong grupo.
Kasabay ng pangako na hindi sila titigil at tiyak na may mananagot sa patuloy na paggamit ng ipinagbabawal na Improvised Explosive Device.
