Agham Road at BIR Road sa QC, gagawing “Senator Miriam Santiago Avenue”

Agham Road at BIR Road sa QC, gagawing “Senator Miriam Santiago Avenue”

PASADO na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na palitan ang pangalan ng Agham Road at BIR Road sa Quezon City.

Sa ilalim ng House Bill 7413, ipapangalan ito kay “Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue” bilang pagkilala sa mga kontribusyon ng dating Senador Santiago sa bansa.

Si Senador Santiago na tinaguriang “Dragon Lady” o “Iron Lady of Asia” ay nasawi noong September 29, 2016 sa edad na 71 dahil sa komplikasyon sa lung cancer.

Nakapaghain na rin sa Senado ng kaparehong panukala sina Sonny Angara, Alan Peter Cayetano at Lito Lapid.

Kung sakaling maisabatas ito, mag-iisyu ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga polisiya para sa implementasyon ng batas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter