Zubiri, nais taasan ng P150 ang minimum wage hike sa buong bansa

Zubiri, nais taasan ng P150 ang minimum wage hike sa buong bansa

NAGPASA si Senate President Juan Miguel Zubiri ng panukalang batas na naglalayong taasan ng 150 piso ang minimum wage ng mga private sector workers sa buong bansa.

Ayon kay Zubiri, ang disenteng pamumuhay ay nagkakahalaga ng disenteng sahod at kung araw-araw na nagtatrabao ang mga manggagawa at kapos pa rin ang sahod ng mga ito sa pambayad ng renta, bills at iba pang bayarin ay nangangahulugan na mayroong matinding problema.

Ani pa ni Zubiri, bagaman tumataas ang growth domestic product ng bansa, kailangang masiguro na nararamdaman ng mga tao ang paglago ng ekonomiya dahil kung hindi ay patuloy lamang na lalaki ang puwang sa pagitan ng mga mahihirap at mayayaman.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2002, ipinanukala ni Zubiri sa mga private sector employers na magbayad ng karagdagang 150 piso sa kanilang mga manggagawa sa oras na maisabatas na ito.

Sa ilalim din ng nakabinbing batas, maaaring mamultahan ang mga employer ng hindi bababa sa 100,000 piso hanggang 500,000 piso o mabilanggo ng 2 hanggang 4 na taon kung lalabag dito.

Follow SMNI NEWS in Twitter