SUMAMPA sa 2.1% ang agricultural at fishery output ng bansa o katumbas ng P500 bilyong halaga ng produksiyon sa unang kwarter ng 2023.
Ito ay base sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Habang tumaas naman ng 1.7 porsiyento ang mga pananim na nakapag ambag ng higit P200 bilyong halaga.
Kumakatawan ito sa 57.8 porsiyento ng kabuoang value of production sa agrikultura.
Nagkaroon din ng 5.2 porsiyento at 3.2 porsiyento na pagtaas ang pananim na palay at mais.
Nakapagtala naman ng 4.1 porsiyento na paglago ang livestock production na higit P62 bilyon ang value of production.
Nagpakita naman ng 5.1% na paglago ang hog industry.
Lahat ng poultry commodities maliban sa mga alagang pato ay nakapagtala rin ng 3.2 porsiyento na pagtaas.
Bahagya namang tumaas ang produksyon ng isda na nasa 0.3 porsiyento.
Ang datos ng pagtaas ng Agriculture at fishery output na naitala ng PSA ay sa kabila ng samut-saring problema na kinaharap ng sektor ng agrikultura.
