Women’s National Football Team ng Pilipinas, may rason para magbunyi

Women’s National Football Team ng Pilipinas, may rason para magbunyi

NANANATILING may rason ang Women’s National Football Team ng Pilipinas para magbunyi.

Sa kabila ito ng maagang pag-alis ng koponan sa nagpapatuloy na 32nd Southeast Asian (SEA) Games sa Cambodia.

Ayon sa head coach na si Alen Stajcic, isang malaking improvement sa football team ang matalo ang Vietnam.

Kung pagbabatayan ang kasaysayan aniya, isa sa pinakamahirap na kalaban ng Pilipinas ang Vietnam sa women’s football.

Una lang nila itong natalo sa 2022 ASEAN Football Federation (AFF) Women’s Championship at ang pangalawa ay sa 32nd SEA Games na.

Iyon nga lang, hindi sumapat ang 2-1 na iskor ng women’s football sa SEA Games para makapasok sa semifinal kung ikukumpara sa 5-1 na iskor ng Myanmar.

Ang maagang pag-alis sa SEA Games ay hindi naman nakaaapekto sa preparasyon ng koponan para sa Federation International Football Association (FIFA) Women’s World Cup ngayong Hulyo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter