Patuloy ang pag-angat ni Alex Eala sa world rankings matapos maitala ang career-best na No. 31 sa Women’s Tennis Association (WTA).
Ito ay kasunod ng kaniyang pag-abot sa quarterfinals ng WTA 1000 Dubai Duty Free Tennis Championships, kung saan umangat siya ng 16 puwesto mula No. 47.
Sa Dubai, tinalo ni Eala ang mas matataas ang ranggo kabilang si world No. 8 Jasmine Paolini, gayundin sina Sorana Cirstea at Hailey Baptiste.
Natapos ang kaniyang kampanya matapos yumuko kay world No. 4 Coco Gauff sa quarterfinals.
Dahil sa kaniyang pag-angat, nasa No. 5 na rin si Eala sa Asia, kasunod nina Elena Rybakina, Naomi Osaka, Zheng Qinwen, at Wang Xinyu.
Bahagi ito ng malakas niyang simula ngayong 2026, at susunod siyang sasabak sa Indian Wells Open at Miami Open sa Marso—habang papalapit sa inaasam na Top 30 sa mundo.
