Nakaranas ng early exit ang Pinay tennis star na si Alex Eala sa women’s singles ng Australian Open.
Ito ay matapos itong kapusin sa laban nila ni Alycia Parks ng Amerika sa first round ng naturang tournament.
Sa kanilang laban, nakuha ni Eala ang first set win sa iskor na 6-0.
Ngunit sa sunod na set, nakabawi si Parks matapos manalo sa iskor na 3-6 at itabla ang kanilang set win.
Sa deciding set, tuluyang sinelyuhan ni Parks ang kaniyang panalo para umusad sa sunod na round.
Sa kabila ng pagkatalo, nagpaabot ng pasasalamat si Eala sa lahat ng sumuporta sa kaniyang laban.
