Alyas ‘Bikoy’, hinatulan ng guilty ng korte

Alyas ‘Bikoy’, hinatulan ng guilty ng korte

GUILTY ang hatol ng Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 17 ng Maynila, laban sa akusadong si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy.

Ito’y kaugnay sa inilabas niyang listahan na tinawag niyang ‘Ang Totoong Narcolist’ na nag-ugnay sa oposisyon kasama ang noon ay Vice President Leni Robredo.

Kinumpirma ito ni Atty. Jose Manuel Diokno, bilang isa sa mga naghain ng kaso matapos silang idamay sa kontrobersiya pati ang umano’y planong destabilisasyon sa nagdaang administrasyong Duterte.

Sa desisyon ni Judge Karla Funtila-Abugan, 3 buwan at 1 araw hanggang 1 taon at 1 araw ang parusang ipinataw kay Advincula sa kasong pagsisinungaling.

Follow SMNI NEWS in Twitter