Davao City, ipinagdiwang ang unang anibersaryo bilang ‘insurgency-free city’

Davao City, ipinagdiwang ang unang anibersaryo bilang ‘insurgency-free city’

IPINAGDIWANG ng Davao City ang unang anibersaryo ng pagdeklara sa lungsod bilang isang ‘insurgency-free city’.

Sa Facebook post ni Vice President Sara Duterte, ipinahayag nito ang paggunita sa isang taong paglaya ng lungsod mula sa kamay ng New People’s Army (NPA) na nagpahirap sa buhay ng mga kapwa Pilipino sa liblib na panig ng bansa.

Nagpasalamat ang pangalawang pangulo sa mga local leaders, law enforcement units at kay peace advocate at adviser na si Inday Irene Santiago sa pagtatag ng proyektong Peace 911 na nagtulak ng kalayaan mula sa NPA.

Nananawagan naman si VP Sara na patuloy na tiyakin na ang mga kabataan ay makapag-aral upang maabot nila ang kanilang mga pangarap, at gawin ang mga bagay na gusto nilang gawin sa kanilang buhay at para sa kanilang pamilya.

Muling ibinahagi ni VP Sara ang bagong curriculum ng DepEd para sa pagpapahalaga ng kapayapaan at buksan ang kaisipan ng mga kabataan sa conflict-resolution and non-violence.

Umaasa ang pangalawang pangulo na sa madaling panahon ay maaabot din ng buong bansa ang kalayaan sa insurhensiya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter