PASOK sa listahan ng mga atletang sasabak sa Hangzhou Asian Games ang Filipino athlete na si Alex Eala.
Isa si Eala sa mga atletang pinaghahanda ng Philippine Olympic Committee (POC) para sa 19th Asian Games na magiging koponan ng Pilipinas.
Ayon kay POC President Abraham ‘bambol’ Tolentino, isa si Eala sa mga maglalaro sa individual (gold).
Maliban dito, naghahanda rin si Eala para sa isang International Tennis Federation Tournament sa Monastir, Tunisia.
Sa ngayon nasa 408 atleta mula sa 40 na laro, karamihan ay sa team sports ang nai-line up ng POC para sa darating Asian Games.
