ARCI Munoz, rumampa sa hollywood red-carpet event sa Los Angeles, California sa premiere ng hollywood film na “Jackass Forever”.
Kabilang sa mga bisitang dumalo sa premiere ng Hollywood film na “Jackass Forever” sa TCL Chinese theaters sa Los Angeles, California ang aktres na si Arci Munoz.
Ibinahagi ni Arci na ito ang kanyang unang pagkakataon na dumalo sa isang Hollywood red-carpet event.
Ipinasilip ni Arci sa kanyang instagram post ang kanyang “red carpet moment” na nakasuot ng black sequined dress.
Pinagbibidahan ang comedy film nina Johnny Knoxville, Steve-O, Chris Pontius, Dave England, Wee Man, Danger Ehren, and Preston Lacy.
Ibinahagi din ni Arci ang dinner photo kasama ang American singer at rapper na si Anderson .Paak
Samantala, pinangunahan ng actress na si Angelina Jolie ang panawagang i-renew na ang Violence Against Women Act ng Estados Unidos.
Binigyang-diin ni Jolie sa isang speech sa U.S. Congress na malaki ang role ng batas upang maipakita sa mga kababaihan na dumaranas ng pang-aabuso na may panlaban sila sa mga nang-aabuso at pinapanigan sila ng bansa.
Nag-expire ang Violence Against Women Act noong 2018 at ang kasalukuyang U.S. President na nooy senador at sponsor ng batas noong 1994 na si Joe Biden ay muli itong ikinakampanya ngayon.
Muntikan namang mai-renew ito halos isang taon na ang nakalipas subalit naudlot dahil sa isyu ng paggamit ng baril at transgender.
Pagkatapos ng speech ni Jolie sa US Congress noong February 09 ay napagkasunduan naman ng grupo ng bipartisan United States senators na tutukan muli ang naturang batas.