Tahanan ng dating alkalde ng bayan ng Maguindanao; pinagbabaril

Tahanan ng dating alkalde ng bayan ng Maguindanao; pinagbabaril

PINAULANAN ng bala ng mga armadong lalaki ang tahanan ng dating alkalde ng Bayan ng Buluan, Maguindanao na si Jong Mangudadatu, noong Biyernes ng gabi.

Sinabi ni Maguindanao PNP spokesperson Police Capt. Fhaeyd Cana, walang nasaktan sa insidente, na nangyari ala-1:30 ng madaling araw sa Barangay Poblacion.

Si Mangudadatu ay ang nakakatandang kapatid ni Maguindanao 2nd District Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu, na tumatakbong gobernador.

Noong Marso 30, isang M61 pagkakapira-pirasong granada ang natagpuan, alas-11:10 ng umaga sa likod ng gate ng bahay ni Buluan mayoral candidate Jessieden Ali Martinez sa kahabaan ng Rose Street, Barangay Poblacion.

Ayon kay Cana ay isang concerned citizen ang naglakas loob na magsumbong sa pulisya.

Aniya, ang granada ay natagpuan ng mga imbestigador na natatakpan ng brown na tuwalya.

Samantala, hinala ng PNP na may kinalaman sa eleksyon ang dalawang insidente, habang hinihintay ang resulta ng validation committee sa provincial at regional level.

“We are considering it as separate incidents, hindi po natin mai-relate as of now,” saad ni Cana.

“Pinapatawag ko na sa legal ko. Idinadaan ko ‘to sa legal di naman tayo masama na tao. So, legal nalang ‘to may mga testigos naman kami,” ang naging reaksyon ni Jong Mangudadatu.

 

Follow SMNI News on Twitter