“MOST streamed local artist” sa Spotify ngayong taong 2023 ang Pinoy folk pop band na Ben&Ben.
Ikalimang sunud-sunod na taon na itong nakuha ng banda ang nabanggit na titulo sa Spotify.
Sa datos, streamed 371 million times ang mga kanta ng Ben&Ben at may 15 million listeners sila sa loob ng 25 million hours sa 184 na bansa.
Maliban sa Ben&Ben, kasama rin sa listahan sina Zack Tabudlo, Adie, Moira dela Torre at Arthur Nerry.
